TUMBOK Dartero Korner ni Tito Soncuya
VOL. VIII NO. 187 MARSO 29, 2008 SABADO
Ang mga weekly dart tournaments sa National Capital Region (NCR) ay nagkakasunod sunod na. Ang mga local dart organizations, dart venues, dart clubs, barangays, politikos at mga dart entrepreneurs ay walang katapusang nagpapalaro ng mga P3,000 to P12,000 dart tournaments. Sabado, ang karaniwang araw ng dart tournaments ay masikip na.
Sa dami nang nagpapalaro, dumadating ang pagkakataon na magkakasabay-sabay ang mga tournaments. Ang tanong ng madlang dartero - meron bang benefits and advantages ito or nakakasama sa sport of darts.
Ang aming pananaw sa nagkakasabay na tournaments ay isang malaking biyaya sa dartero. – mas malaking cash prize ang nakalaan na mapapanalunan ng dartero. Kung merong dalawang P10,000 tournament ang suma total ay P20,000 kumpara sa P10,000 lang.
Mas masaya rin ang dartero at makakapili ng tournament ayon sa lapit , entry fee, dami ng barkada, uri ng tournament 501 o killers, presyo ng inumin at pagkain, at ayon sa tournament na patas sa dartero.
Mas maraming dartero din ang naglalaro kung nagkakasabay ang tournaments. Ang karaniwang manlalaro sa P10,000 weekly tournament ay higit kumulang sa isang daang (100) dartero. Noong nakalipas na buwan kung saan nagkasabay ang tournaments sa Tondo at sa Makati, ang naglaro ay isang daang dartero (100) pa rin sa bawat tournament. Ang kanya-kanyang lugar ay may sariling base of supporters, either ka-barangay o kabarkada at karamihan sa malapit na lugar lang ang nilalaruan.
Noong huling bulusok ng darts noong 1994-1997, nangyaring maraming naghintay ng mga apat hanggang anim na buwan para ma-schedule ang kanilang tournaments. Kadalasan tinatabangan na ang mga sponsors sa tagal ng paghihintay at hindi na natutuloy. Sayang ang nakalaan na premyo - para sa dartero na sana.
Mas maraming tournaments, magkasabayan man, mas masaya at masagana ang dartero. Mas maraming tournaments mas maraming pagpipilian. Ito ang maka-darterong adhikain!!
http://www.ndfpdarts.com/tb_news_tumbok_04.htm
|