TUSOK BALITA ONLINE - A Publication of the National Darts Federation of the Philippines

JRS 200K Nagcarlan Open: Presentors Profile

Updated June 04, 2015
 
 
Ang 200K Nagcarlan Open ay handog ni JRS -  John R. Solpico, at ng kanyang maybahay na si Mary Teresa C. Solpico. Sila ay katutubong Nagcarlan at matagal nang mga engineers na nagtratrabaho sa Malaysia at Thailand. Dahil mahal nila ang darts, sila ay tumutulong at nagma-manager sa JRS TEAM sa Asian Dart Circuit tulad nila Prussian Arceño, Andy Villamor, Nayr Ocampo, at iba pa. May pagkakataon din na sponsor sila ni Lourence Ilagan and company sa Hong Kong Open.

Ang JRS 200K Nagcarlan Open ay sagisag ng kanilang suporta sa buong Sambayanang Dartero.  Inaanyayahan namin ang ating mga kapwa dartero na ipamalas ang kanilang suporta at pasasalamat para sa magandang puso at tulong ng mag-asawang Solpico sa mga Darterong Pinoy.

John, masayang pagdiriwang ng iyong kaarawan sa Linggo.  Aming ikinatutuwa ang katuparan ng iyong pangarap na makasama ang mga top darters sa pagdiriwang ng iyong kaarawan.

Maraming Salamat po, John and Ma’m Tess.  Nawa ay patuloy na pagpalain kayo sa inyong tulong sa Sambayanang Dartero.
 
 
NDFP Affiliation Form